KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

li•ngát

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Pagkalimot o pagbaling ng pansin sa ibang bagay.
LIBÁNG

Paglalapi
  • • makalingátan, malingát, mapalingát: Pandiwa
  • • nalingát: Pang-uri

li•ngát

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagkalisya ng butó dahil sa tapilok.

2. Pagbaluktot ng mga daliri ng kamay at paa sa masamáng posisyon.
LINSÁD

lí•ngat

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

BOTANIKA Urì ng halamang bigonya (genus Rumex) at may katas na maasim.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.