KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

li•bí•ngan

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Salitang-ugat
libíng
Kahulugan

1. Tingnan ang sementéryo

2. Tingnan ang puntód

Paglalapi
  • • pinaglibingán, paglilibingán: Pangngalan
Idyoma
  • humúkay ng saríling libíngan
    ➞ Gumawa ng anumang ikapapahamak ng sarili.
    Pára siyang humúkay ng saríling libíngan nang lokohin niya ang batas.
  • hanggáng libíngan
    ➞ Hanggang kamatayan.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Nakabása ka na ba ng karagatán? Namangha sa isang lilók o nakasaksi ng isang pangálay? Ilan lámang ang mga ito sa ating katutubong sining na ipinagdiriwang natin sa Buwan ng Síning tuwing Pebrero.