KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

lét•se

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
leche
Pinagmulang Wika
Espanyol
Kahulugan

Tingnan ang gátas

lét•se plán

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
leche flan
Pinagmulang Wika
Espanyol
Kahulugan

KULINARYO Minatamis na gawa sa pinaghalong gatas, itlog, at asukal na inihulma sa liyanera at niluto sa pamamagitan ng singaw ng kumukulong tubig.

Lé•tse!

Bahagi ng Pananalita
Padamdam
Pinagmulang Wika
Espanyol
Kahulugan

Salitáng nagpapahiwatig ng alipusta, karaniwang naibubulalas kung galít o nasusuklam.
Letseng batà ka!

lét•se

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Pinagmulang Salita
leche
Pinagmulang Wika
Espanyol
Kahulugan

Sumususo pa sa ina.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Nutrisyon ang Hulyo? Ano ang mga paborito mong masustansiyang pagkain?