KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

la•yà

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Kaluwagang magawa o gawin ang anuman nang ayon sa sariling pasiya.
LIBERTÁD

2. Pagkawala mula sa anumang nakahahadlang o pumipigil sa kilos.

3. Pisikal na pagkakaalis mula sa pook na kumukulong.
KALAYÁAN

Paglalapi
  • • kalayáan, pagpapalayà: Pangngalan
  • • lumalayà, magpalayà, mapalayà, palayáin: Pandiwa
  • • malayà, mapagpalayà: Pang-uri

la•yâ

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Tingnan ang pabayâ
Hindi niya alam kung kumain na ang kaniyang anak dahil sa pagiging layang ina.

2. Labis na malayaw; walang pakialam sa maaaring maganap sa sarili.
Anumang magustuhan ay agad binibili ng layâ na si Becky.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?