KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

lá•wit

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Kasangkapang panggapas ng palay o damong ipinapakain sa kabayo.
KÁRIT, LINGKÁW, LÍLIK

Paglalapi
  • • lawitín: Pandiwa

la•wít

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Bagay na nakabitin.

2. Pagkakabitin ng isang bagay.
Maganda ang lawít ng kuwintas mo.

Paglalapi
  • • palawít: Pangngalan
  • • ilawít, lumawít, lumawít-lawít, maglawít: Pandiwa
  • • lalawít-lawít: Pang-uri

la•wít

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Nakabitin o nakalaylay.
Ang daling abutín ng mga lawít na mangga.
LAGAYLÁY, LAYLÁY, LANDÓNG, LAWLÁW

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Maraming taál na hayop at halaman na sa Pilipinas lámang matatagpuan?