KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

la•rá•wan

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. SINING Imahen ng isang tao, hayop, o anumang bagay na likha ng pagkakaguhit, pagkakalilok, pagkakapintura, o potograpiya.
RETRÁTO, DIBÚHO, LÁMINÁ, PHOTOGRAPH

2. Tingnan ang kamukhâ
Si Peping ay laráwan ng kaniyang ama.

3. Anumang nakikita sa salamin kapag iniharap o itinapat dito.

4. Tingnan ang halímbawà
Si Romy ang laráwan ng isang ulirang ama.

Paglalapi
  • • paglalaráwan: Pangngalan
  • • ilaráwan, lumaráwan, maglaráwan, mailaráwan: Pandiwa
  • • kalaráwan: Pang-uri
Tambalan
  • • laráwang-buháy, laráwang-diwà, laráwang-gúhitPangngalan

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Nakabása ka na ba ng karagatán? Namangha sa isang lilók o nakasaksi ng isang pangálay? Ilan lámang ang mga ito sa ating katutubong sining na ipinagdiriwang natin sa Buwan ng Síning tuwing Pebrero.