KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

lap•nís

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. BOTANIKA Balát ng kahoy kung nabakbák na sa katawan.
ÚPAK

2. Pagbakbák sa balát ng kahoy.

Paglalapi
  • • lapnisín: Pandiwa

lap•nís

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Tanggal ang balát (gaya ng balát ng punongkahoy na nagasgas sa pagkakatali ng lubid o pagkakakiskis ng matigas na bagay).
LAPNÓS

2. MEDISINA Tanggal ang balát dalá ng pagkakapasò.
LAPNÓS, LAKLÍP, LAPNÍT

lap•nís

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

BOTANIKA Palumpong (Malachra capitata) na nababálot ng matitigas at makakating búlo ang mga dahon at ngipin-ngipin ang gilid, dilaw ang mga bulaklak; malasutla at matibay ang himaymay na ginagamit sa paggawa ng lubid, pisi, pamingwit, o súpot.
ANABÓ

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Nakabása ka na ba ng karagatán? Namangha sa isang lilók o nakasaksi ng isang pangálay? Ilan lámang ang mga ito sa ating katutubong sining na ipinagdiriwang natin sa Buwan ng Síning tuwing Pebrero.