KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

lang•ka•wás na pu•lá

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

BOTANIKA Halamang-damo (Alpinia zerumbet) na kapamilya ng luya, tumataas nang 3 metro, mabango, may dahong kahugis ng dulo ng sibát, makinis sa magkabiláng panig, ngunit mabulo ang gilid, at nakayuko ang bulaklak.

lang•ka•wás

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

BOTANIKA Halamang-damo (Alpinia galanga) na kapamilya ng lúya, may malakas at mabangong amoy, may malambot na talbos, lasang hawig sa luya ang bukó ng bulaklak at bulaklak nitó ngunit hindi gaanong maanghang, at maaaring gamiting pampalasa sa pagkain.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Nutrisyon ang Hulyo? Ano ang mga paborito mong masustansiyang pagkain?