KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

la•ngís

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Malabnaw at malinaw na sustansiyang nakakatas sa niyog at iba pang kauri nitó na ginagamit na lubrikante, pamahid sa buhok, panlagay sa ilawan, atbp.
ASÉYTE

2. Pinurong krudo.

Paglalapi
  • • langísan: Pangngalan
  • • langisán, langisín, maglangís: Pandiwa
  • • langísin, malangís: Pang-uri
Idyoma
  • túbig at langís
    ➞ Hindi maaaring magkasundo, magkasama, o magsanib.
    Parang tubig at langís sina Pedro at Juan.
  • matuyuán ng langís
    ➞ Mamatay.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Nutrisyon ang Hulyo? Ano ang mga paborito mong masustansiyang pagkain?