KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

la•ngá

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Pagkain o pag-inom sa pamamagitan ng pagsisingit o pagpapasok ng ulo sa sisidlan (tulad ng mga hayop).

Paglalapi
  • • paglangá: Pangngalan
  • • ilangá, lumangá: Pandiwa

la•ngá

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Pagkawala o pagkaligaw (tulad ng kalapating hindi makabalík sa pinanggalingan).

la•ngâ

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

ZOOLOHIYA Isdang-dagat na lumalaki nang hanggang dalawang dalì ang habà at isang dalì ang lápad, nakahuhugis ng isdang malakapas ngunit matigas ang kaliskis, laman at palikpik.

la•ngá

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Tingnan ang tunggák
Alalay lámang niya ang kaniyang mga langáng kaibígan.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?