KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

lan•dás

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Makitid na daang karaniwang para sa mga naglalakad lámang.

2. Daánang nalikha sa kakahuyan, gubat, bundok, bukid, at iba pang pook dahil sa madalas na pagdaan ng tao o hayop.
BULÁOS, LAGÚSAN, BAGNÓS, DAMLÁS, SÉNDA

3. Tingnan ang kadulasán

Paglalapi
  • • landasán: Pangngalan
  • • landasán, landasín, maglandás, malandás: Pandiwa
  • • malandás: Pang-uri
Idyoma
  • mabulaklák ang landás
    ➞ Masayá at maunlad na búhay; maginhawang kabuhayan.
  • matiník na landás
    ➞ Masuliraning tahakin.
  • naligáw ng landás
    ➞ Masamâ ang napuntahan; napariwara.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?