KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

lam•bíng

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Suyo o alò na ipinakikilala sa pamamagitan ng mahinhing kilos o salita.
KARÍNYO, LAMYÓS

2. MUSIKA Malumanay at maindayog na himig ng tugtúgin o ng tula.

Paglalapi
  • • kalambingán, lambíngan, paglalambíng, paglalambíngan: Pangngalan
  • • lambingán, maglambíng, nilambíng: Pandiwa
  • • malambíng: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Maraming taál na hayop at halaman na sa Pilipinas lámang matatagpuan?