KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

lak•sâ

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Wika
Malay
Kahulugan

MATEMATIKA Sampúng líbo (10,000).
SANLAKSÂ

Paglalapi
  • • laksáan: Pang-uri

lak•sâ

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Pagkitil o pagpatay.
Karumal-dumal ang laksâ sa espiyang nahúli.
PUKSÂ

lak•sâ

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. KULINARYO Isang uri ng pansit.
SÓTANGHÓN

2. KULINARYO Murang pusò ng saging, sitaw, kalabasa, at talong na iginisa at nilahukan ng sotanghon.

lak•sâ

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. MATEMATIKA Nauukol sa mga bílang na umabot ng 10,000.
Ang isang dibisyon ng hukbo ay binubuo ng isang laksáng kawal.

2. Napakarami.

Tambalan
  • • sampúng-laksâPangngalan
  • ➞ Sangyutà.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Nutrisyon ang Hulyo? Ano ang mga paborito mong masustansiyang pagkain?