KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

la•hát

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Kabuoan ng marami na walang itinatangi.
LALÓS

Paglalapi
  • • lahatín, nilahát: Pandiwa
  • • kalahatán, lahát-lahát, pangkalahatán, panlahát, panlahátan: Pang-uri

la•hát

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Bawat isá.
Siláng lahát ay pagkakalooban ng handog pamasko.
LANÁS, DILÁNG

la•hát

Bahagi ng Pananalita
Panghalip
Kahulugan

1. Buong dami o kantidad.
Kainin mong lahát ang ibinigay kong pagkain sa ’yo.

2. Buong bílang.
Lahát táyo ay kasáma sa seminar sa Baguio.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Nakabása ka na ba ng karagatán? Namangha sa isang lilók o nakasaksi ng isang pangálay? Ilan lámang ang mga ito sa ating katutubong sining na ipinagdiriwang natin sa Buwan ng Síning tuwing Pebrero.