KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

la•gá•kan

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Salitang-ugat
lágak
Kahulugan

1. Sinumang pinag-iiwanan ng anumang ipinagkakatiwala.

2. Pook na pinaglalagakan o nagsisilbing imbákan ng anuman.
Nilinis namin noong Sabado ang lagákan ng aming palay.

la•ga•kán

Bahagi ng Pananalita
Pandiwa
Salitang-ugat
lágak
Kahulugan

1. Magbigay ng pera o piyansa upang makalayang pansamantala ang isang táong napipiit.
PIYANSAHÁN

2. Magbigay ng pera bílang panggarantiya sa isang bagay na kinuha.
GARANTIYÁHAN

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.