KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

la•ba•nán

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Salitang-ugat
lában
Kahulugan

1. Tingnan ang digmâ

2. Tunggalian upang makamit ang tagumpay.
Matindi ang labanán sa pagkapangulo ngayong eleksiyon.
KOMPETÉNSIYÁ, KOMPETISYÓN

Paglalapi
  • • maglabanán, paglabánan: Pandiwa

la•bá•nan

Bahagi ng Pananalita
Pandiwa
Salitang-ugat
lában
Kahulugan

Gawan ng paraan upang hindi mangyari.
Mayroon pa ring mga nagnanais na labánan ang pagpapatibay sa panukalang batas ukol sa RH Bill.
SALUNGATÍN, SUGPUÍN

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Nakabása ka na ba ng karagatán? Namangha sa isang lilók o nakasaksi ng isang pangálay? Ilan lámang ang mga ito sa ating katutubong sining na ipinagdiriwang natin sa Buwan ng Síning tuwing Pebrero.