KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

la•bó

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Pagiging buhaghag o madalíng madurog.

Paglalapi
  • • malabó: Pang-uri

la•bò

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Kakulangan ng linaw o liwanag sa paningin.
LAMLÁM

2. Kalagayan ng bagay na hindi maunawaan.

3. Pagiging magulo ng isip dahil sa kaabalahan o samâ-ng-loob.
KALABÚAN

Paglalapi
  • • kalabúan, panlalabò: Pangngalan
  • • labúin, magpalabò, manlabò, palabúin, panlabúan : Pandiwa
  • • labò, malabò: Pang-uri
Idyoma
  • lumalabò ang salitáan
    ➞ Nalalayô sa pagkakasundo o pagkakaunawaan.
  • malábong pangungúsap
    ➞ Pangungusap na hindi agad maramdaman ng pinagsasabihan ang bisà o kahulugan nitó.

lá•bo

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagsasáma-sáma ng mga tao habang nagkakagulo o nagkakatuwaan, karaniwang inuulit ang anyo.

2. Pag-aaway ng tatlo o higit pang katao.

Paglalapi
  • • lábo-lábo: Pangngalan

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.