KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

la•bás

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Dakong nakalantad o hindi sakop ng isang bagay.
Malinis palagi sa labás ng kanilang bakuran.

2. Pag-alis sa loob ng kinaroroonan.
Mamayang alas-kuwatro pa ang labás ko sa opisina.
LUWÁL

3. Bahagi ng anumang ibinibigay o inilalathala nang sunod-sunod.
Inaabangan na ang unang labás ng kaniyang nobela.

Paglalapi
  • • kalabasán, kinalabasán, labásan, paglabás, pagpapalabás, palabás, tagalabás: Pangngalan
  • • ilabás, labasán, labasín, lumabás, maglabás, palabasín, papalabás : Pandiwa
  • • palabás, panlabás, papalabás: Pang-uri
  • • palabás: Pang-abay

la•bás

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Hindi kasali; hindi kasangkot.
Huwag kang sumabad, labás ka sa usapan namin.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Nakabása ka na ba ng karagatán? Namangha sa isang lilók o nakasaksi ng isang pangálay? Ilan lámang ang mga ito sa ating katutubong sining na ipinagdiriwang natin sa Buwan ng Síning tuwing Pebrero.