KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

la•bág

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Anumang pagsuway o paglihis sa batas, alituntunin, babala, utos, atas, atbp.

Paglalapi
  • • kalabagán, pagkalabág, paglabág: Pangngalan
  • • labagín, lumabág: Pandiwa

la•bág

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Laban sa utos o sa batas.
KÓNTRA, SÁLA, SALUNGÁT

Paglalapi
  • • mapaglabág: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Nakabása ka na ba ng karagatán? Namangha sa isang lilók o nakasaksi ng isang pangálay? Ilan lámang ang mga ito sa ating katutubong sining na ipinagdiriwang natin sa Buwan ng Síning tuwing Pebrero.