KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

lú•rok

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagsúkat sa lalim ng tubig sa pamamagitan ng paglulubog ng tikin.

2. Pagsaksak ng sibát at iba pang panaksak na mahabà sa anumang bagay na nása ibaba o silong.

3. Pag-unawa o pagkurò sa iniisip ng kapuwa o sa kahulugan o kalutasan ng isang suliranin.

lú•rok

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Sukát ang lalim.

2. Alam na ang kahulugan.
ARÓK

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Mulang mga babaylán hanggang mga bayani ng kasalukuyang panahon, ipinagdiriwang natin ang mga ambag ng kababaihan sa ating kasaysayan at lipunan. Maligayang Buwan ng Kababaihan sa lahat!