KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

lí•kas

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Pag-alis sa isang pook na mapanganib upang tumúngo sa pook na ligtas.
ULÓG, BAKWÉT

Paglalapi
  • • paglíkas, palikás: Pangngalan
  • • ilíkas, lumíkas: Pandiwa

li•kás

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Nauukol sa katangiang umiral na mula sa kapanganakan.
KATUTUBÒ

2. Matatagpuan sa kalikasan at hindi gawa ng tao.
NATURÁL

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?