KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

li•gáw

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagkakamali sa tamang dapat gawin.

2. Pagkawala sa tamang direksiyon o daan ng dapat puntahán.

3. Tao, hayop, o bagay na napadpad mula sa kung saan.

Paglalapi
  • • iligáw, maligáw, mapaligáw: Pandiwa
  • • naliligáw: Pang-uri

lí•gaw

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Paghahain ng kagustuhan na maging kasintahan ang isang tao sa pamamagitan ng pagbibigay ng regalo at iba pang katulad na benepisyo.
PANGINGÍBIG, PANLILÍGAW, PINTUHÒ

Paglalapi
  • • , ligawán, ligáw-ligawán, manlilígaw, paglígaw, panlilígaw: Pangngalan
  • • ligáwan, lumígaw, manlígaw, nanlígaw: Pandiwa
  • • ligawín: Pang-uri
Idyoma
  • lígaw-tingín
    ➞ Pangingibig na hindi masabi-sabi at sa tingin na lámang dinaraan.
  • lígaw Intsík
    ➞ Panliligaw na dinaraan sa pagbibigay ng mga regalo.
  • anák sa lígaw
    ➞ Anak ng hindi mag-asawa; anak sa pagkadalaga o pagkabinata.
  • lígaw-birò
    ➞ Pangingibig na hindi taimtim o hindi totohanan.

li•gáw

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Lihis, wala sa lugar, o biglang napadpad mula sa kung saan.
Nahagip ang batà ng ligáw na bála.

2. BOTANIKA Tumubò at lumaki nang hindi naman itinanim.
Namulaklak na ang halamang ligáw sa labas ng kanilang bakod.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.