KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

lá•was

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

BOTANIKA Halamang (Nymphaea nouchali) nag-uugat at tumutubò sa putik sa ilalim ng mababaw na tubigán, mahahaba ang tangkay ng mga hugis-pusong dahon at may puti at mabangong bulaklak.

lá•was

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Wika
Bíkol, Hiligaynón, Mëranáw, Sebwáno, Waráy
Kahulugan

1. Malaking koleksiyon ng anuman.
Ang dagat ay isang láwas ng tubig.

2. Kabuoan ng anumang entidad na nahahangganan.
Interesado ako sa iba't ibang uri ng láwas-pangkalawakan.

3. Katawan ng tao o hayop.
Mayroon siyang matipunong láwas.

Tambalan
  • • láwas-pangkalawákanPangngalan

lá•was

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Lihís o hindi tumama.
SÁLA

Idyoma
  • tagáng láwas o láwas na tagâ
    ➞ Pahayag na malayò sa pinag-uusapan.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?