KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

lá•pat

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagkakadikit nang maigi ng dalawang bagay; kawalan ng puwang sa pagitan ng dalawang bagay na magkatabi o magkadikit.

2. Pagiging magkatapat o magkatimbang sa urì at kakayahan.
Si Pedro ang lápat kay Pablo.

Paglalapi
  • • pagkakalápat, paglalápat, panlápat: Pangngalan
  • • ilápat, inilápat, lapátan, lumápat, mapaglápat, nilapátan: Pandiwa

lá•pat

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

1. Walang puwang; dikít na dikít.
Lápat na pinto ang dapat sa harap ng bahay.

2. Katapat o katimbang sa urì at kakayahan.

3. Angkop o nararapat.
Lápat na parusa ang dapat sa mga magnanákaw.

Paglalapi
  • • malapátan, malápat: Pandiwa

la•pát

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Pagtitilad o bagay na tinilad nang manipis (tulad ng kawáyan, yantok, atbp.) upang gawing pansalà, panali, panghugpong sa mga binhi, atbp.

Paglalapi
  • • ipalapát, lapatín, maglapát: Pandiwa

la•pát

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Manipis at pirá-pirasó.
Lapát na buhò ang ginawa ni Nonoy.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Nakabása ka na ba ng karagatán? Namangha sa isang lilók o nakasaksi ng isang pangálay? Ilan lámang ang mga ito sa ating katutubong sining na ipinagdiriwang natin sa Buwan ng Síning tuwing Pebrero.