KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

lá•ing

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Varyant
lá•in
Kahulugan

1. BOTANIKA Tangkay at dahon ng halamang gábe.

2. KULINARYO Lutò sa pinatuyong dahon ng gabe na ginagataan at sinasahugan ng karne, hipon, o isda.

3. Malaking dahong ginagamit na pinakapinggan kung kumakain.

4. BOTANIKA Tuyong dahon ng saging.

la•íng

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

BOTANIKA Tingnan ang lantá

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.