KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

lá•hang

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Biyák o putok sa kahoy.
Hindi maaaring gawing sahig ang napilì niyang tabla dahil may láhang ito.
BITÁK, GIHÀ

2. Mahabang bitak sa bató o anumang babasagín.
BÁSAG, LÁMAT

3. MEDISINA Patayong hiwa sa balát.
GURLÍS, HÁLAS, KADLÍT

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Nakabása ka na ba ng karagatán? Namangha sa isang lilók o nakasaksi ng isang pangálay? Ilan lámang ang mga ito sa ating katutubong sining na ipinagdiriwang natin sa Buwan ng Síning tuwing Pebrero.