KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

lá•bis

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Kahigitan sa takdang súkat o dami.
Ang lábis na tela ay ginawa niyang kortina.
SÓBRA

2. Anumang natirá.
LABÍ, SOBRÁNTE, SURPLUS

3. Pang-aabuso sa kapangyarihan.
KALABISÁN

Paglalapi
  • • kalabisán, pagmamalabís, pagpapakalábis, pagpapalábis: Pangngalan
  • • lumábis, magmalabís, magpakalábis, pagmalabisán, palabísan: Pandiwa
  • • lábis-lábis, mapagmalabís, palábis: Pang-uri
Idyoma
  • waláng lábis at waláng kúlang
    ➞ Hustong-husto; tamang-tama.
  • kúlang sa pitó, lábis sa waló
    ➞ Loko; ulól; kuláng-kuláng.

lá•bis

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Higit sa takdang súkat at dami.
KAPÍN, MASYÁDO

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?