KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ku•war•tá

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
cuarta
Varyant
ku•wal•tá
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

EKONOMIKS Tingnan ang péra

Paglalapi
  • • mangunguwárta: Pangngalan
  • • kinuwartahán, kuwartahán, kuwartahín, magkakuwartá: Pandiwa
  • • makuwartá: Pang-uri
Idyoma
  • kinuwartahán
    ➞ Hiningan ng malaking halaga sa maliit na paglilingkod.
  • kuwartá na
    ➞ Tiyak na.
  • mabigát ang kuwartá
    ➞ Mahirap kumita ng salapi o pera.
  • magaán ang kuwartá
    ➞ Madaling kumita ng salapi o pera.
  • hindî tumatáe ng kuwartá
    ➞ Walang pinagkukunan ng limpak-limpak na salapi.
  • maínit ang kuwartá
    ➞ 1. Hindi nagtatagal ang pera; gastador. 2. Mapanganib dampútin.
  • nagtátapón ng kuwartá
    ➞ Kung gumugol ay labis-labis.
  • mukháng kuwartá
    ➞ Sa salapi lámang tumitingin; walang mahalaga kundi pera.
  • dinaán sa kuwartá
    ➞ Salapi ang ginamit upang matamo ang minimithi.
  • kuwartáng náging bató
    ➞ Pagkabigo.
  • nagsasálok ng kuwartá
    ➞ Malakas kumita ng salapi.
  • mababà ang kuwartá
    ➞ Ang halaga ng salapi ay mababa.
  • nakúha sa kuwartá
    ➞ Nakuha ang ibig sa pamamagitan ng salapi.
  • kuwartahín na
    ➞ Sa halip na magbigay ng anumang bagay, ay salapi na lámang; ipagbili na upang maging kuwarta.
  • madalî ang kuwartá
    ➞ Madalî ang pagkita ng salapi.
  • nagpagúlong ng kuwartá
    ➞ Namuhunan sa isang hanapbuhay.
  • maliwánag na kuwartá
    ➞ Tiyak na tutubo o kikita.
  • nagpápalabás ng kuwartá
    ➞ Nagpapautang nang may patubò.
  • tabí sa krus ng kuwartá
    ➞ Pasintabi sa halaga ng salapi.
  • hindî tumitíngin sa kuwartá
    ➞ Hindi dahil sa kuwarta ang pakikipagkapuwa.
  • nahihigâ sa kuwartá
    ➞ Masalapi, mayaman.
  • masamáng kuwartá
    ➞ Salaping galing sa masamang paraan.
  • binilí ng kuwartá
    ➞ Mahalaga kayâ dapat pahalagahan.
  • umayáw sa kuwartá
    ➞ Tumanggi sa pagtanggap ng isang mahalagang bagay.
  • madalá sa kuwartá
    ➞ Mapasang-ayon dahil sa kuwartang ibinibigay.
  • nagbigáy ng kuwartá
    ➞ Pinagtubuan; nagbibigay ng panalo.
  • nagtapón ng kuwartá
    ➞ Pinagkalugihan; natalo sa pustahan.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Maraming taál na hayop at halaman na sa Pilipinas lámang matatagpuan?