KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ku•sà

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Atas o pasiya ng sariling kalooban hinggil sa anumang kilos.

Tambalan
  • • kúsang-abúloy, kúsang-gawâ, kúsang-loób, kúsang-palòPangngalan

ku•sà

Bahagi ng Pananalita
Pang-abay
Kahulugan

Sadya o likás ang kilos.
Kúsang bumubukas ang pinto sa pasukán ng mall na pinuntahan ko.

Paglalapi
  • • pagkukusà: Pangngalan
  • • magkusà: Pandiwa
  • • mapagkusà, pakusà : Pang-uri

ku•sà

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Kahulugan

Bukal sa loob; sariling kagustuhan.
Kusà niyang tinulungan ang kapuwang nangangailangan.
BOLUNTÁRYO, KÚSANG-LOÓB

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.