KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

kum•pás

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
compas
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

1. MUSIKA Súkat o tiyempo ng tugtúgin.
Hindi siyá makasabay sa pag-awit sapagkat mabilis ang kumpás ng kanta.

2. Pagkilos ng kamay nang alinsunod sa isang súkat ng musika.

3. Paggalaw ng mga kamay ng isang táong nagsasalita.

Paglalapi
  • • pagkumpás: Pangngalan
  • • ikumpás, kinumpás, kumumpás: Pandiwa
  • • pakumpás-kumpás: Pang-abay

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.