KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

kor•yén•te

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
corriente
Varyant
kur•yén•te
Pinagmulang Wika
Espanyol
Kahulugan

1. ELEKTRISIDAD Anyo ng enerhiyang ginagamit sa paglikha ng init, liwanag, lakas ng makina, pagbabagong pangkemikal, atbp.
Mag-ingat at baká mahawakan mo ang nakalantad na kableng may koryénte.
ELEKTRISIDÁD, DAGÍTAB

2. Suplay nitó sa anumang gusali o estruktura.
Wala kaming koryente ngayon.

Paglalapi
  • • kinoryénte, koryéntihín, kumoryénte: Pandiwa
  • • de-koryénte, makoryénte: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Maraming taál na hayop at halaman na sa Pilipinas lámang matatagpuan?