KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

kay•mí•to

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
caimito
Pinagmulang Wika
Español
Kahulugan

1. BOTANIKA Punongkahoy (Chrysophyllum cainito) na bilugán ang mga dahong tulis sa magkabiláng dulo; karaniwang puti o kulay-ube ang bunga; madagta, at malamukot ang laman na dikit sa balát.

2. Tawag din sa bunga nitó.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?