KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ka•ug•ná•yan

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Salitang-ugat
ugnáy
Kahulugan

1. Pagiging bahagi o pagkakaroon ng kinalaman ng isang tao, bagay, o idea sa iba pang tao, bagay, o idea.
Inaalam pa ng mga pulis kung ano ang kaugnáyan ng laláking nahúli sa naganap na krimen.
KONEKSIYÓN, KINALÁMAN

2. Pagiging magkadugo o magkamag-anak.
Ano ang kaugnáyan mo sa may-ari ng tindahang ito?

Paglalapi
  • • pagkakaugnáyan: Pangngalan

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?