KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ka•ug•náy

Bahagi ng Pananalita
Pang-abay
Salitang-ugat
ugnáy
Kahulugan

Hinggil sa o bagay sa anumang inuugnayan.
Ang tinalakay na paksa ay kaugnáy sa Araw ni Balagtas.

ka•ug•náy

Bahagi ng Pananalita
Pang-uri
Salitang-ugat
ugnáy
Kahulugan

1. May koneksiyon sa pagitan ng dalawa o higit pang mga bagay; may kinalaman sa.
Ang paghihigpit ng mga pulis ay kaugnáy ng sunod-sunod na kaguluhan sa matataong lugar.
KAKABÍT, KAKAMBÁL, KAHUGPÓNG

2. Tingnan ang kasangkót
Si G. Romero ay kaugnáy sa katiwaliang naganap sa kanilang kompanya.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?