KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ka•tung•kú•lan

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
ka+tungkól+an
Kahulugan

1. Gawaing dapat tuparin ng isang tao bunga ng kapangyarihang ipinagkaloob sa kaniya (lalo na kung sa pagkakahirang ayon sa batas).
OBLIGASYÓN, TUNGKÚLIN, RESPONSABILIDÁD

2. Partikular na gawain o trabaho sa pinaglilingkurang tanggapan (gaya ng manedyer).

3. Tawag din sa titulo para dito.
POSISYÓN, PUWÉSTO, PROPESYÓN, RÁNGGO, DESIGNASYÓN

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?