KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

kat•hâ

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Varyant
ka•tâ
Pinagmulang Wika
Sanskrit
Kahulugan

1. LITERATURA Akdang pasalaysay na maaaring katháng-ísip o batay sa tunay na búhay; kategorya ng mga nobéla at maikling kuwento.
KUWÉNTO, NOBÉLA

2. Pag-imbento ng anumang bagay.

3. MUSIKA Komposisyong pangmusika.

Paglalapi
  • • kathâ-kathâ, katá-katá, mangangathâ: Pangngalan
  • • kathaín, kinathâ, kumathâ: Pandiwa
Tambalan
  • • kathambúhay, katháng-ísipPangngalan

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Nakabása ka na ba ng karagatán? Namangha sa isang lilók o nakasaksi ng isang pangálay? Ilan lámang ang mga ito sa ating katutubong sining na ipinagdiriwang natin sa Buwan ng Síning tuwing Pebrero.