KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ka•sa•yá•han

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Salitang-ugat
sayá
Varyant
ka•si•yá•han
Kahulugan

1. Pagiging masaya o maligaya.
Bakás ang kasayáhan sa kaniyang mukha habang binabati ng mga kasamahan sa pagkapanalo sa paligsahan.
KAGILÍWAN, KALIGAYÁHAN, KALÍPAY

2. Anumang pagtitipon o pagdiriwang na nakalilibang o nakaaaliw na kadalasan ay may tugtúgan, sayáwan, áwítan, o palaro.
KATUWÁAN, PAGDIRÍWANG

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?