KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ka•sá•ma

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Salitang-ugat
sáma
Kahulugan

1. Sinumang kasabay at katulong sa anumang lákad o lakarín.
Si Ana ang kasáma ko sa pagtúngo sa palengke kahapon.
ÍNGKILÍNO, KABÍLANG, KAKAMBÁL, LANGKÁPAN

2. Mga kasuno o kapisan sa isang tiráhan o tahanan.
Mga magulang, kapatid, at pamangkin ang kasáma ko sa bahay.

3. Tingnan ang kalakíp
Mga gámit sa pananahi ang kasáma nitó sa loob ng kahon.

4. Kapanalig sa isang samahán o kilusan.

Paglalapi
  • • kasamahán: Pangngalan
  • • kasamáhin, kinasáma, makasáma: Pandiwa
  • • magkasáma: Pang-uri

ka•sa•má

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Salitang-ugat
sáma
Kahulugan

Kapuwa may-ari ng lupang sinasaka at sumasaka o gumagawa nang ayon sa kasunduan.
MAGSASAKÁ, KABÁKAS

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?