KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ka•rá•yom

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Wika
Kapampángan
Kahulugan

1. Piraso ng maliit, mahaba, at manipis na metal na may tulis sa isang dulo at maliit na bútas sa kabila na pinagsusuotan ng sinulid, at ginagamit sa pananahi.

2. Panurong may magneto ng isang kompas.
AGÚHA, AGUHÓN

Idyoma
  • magdáraan sa bútas ng karáyom
    ➞ Mahihirapang makalusot.
  • Hindî mahulúgang karáyom
    ➞ Siksíkan sa dami ng tao.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Nutrisyon ang Hulyo? Ano ang mga paborito mong masustansiyang pagkain?