KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ká•pit•bá•hay

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
kápit+báhay
Kahulugan

1. Táong nakatirá malápit sa tahanan ninuman.
Nagtitinda ng mga kakanin ang kápitbáhay namin.
SÍPINGBALÉ

2. Katabing-bahay.
KAHANGGÁN, KALAPÍT-BÁHAY, KARÓBA

Paglalapi
  • • magkakápitbáhay, magkápitbáhay: Pangngalan
  • • magkakápitbáhay: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Pamana tuwing Mayo. Layon nitong paigtingin ang kamalayan, paggalang, at pag-ibig sa pamana, kultura, at kasaysayan ng bansa.