KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ka•pa•lá•ran

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Salitang-ugat
pálad
Kahulugan

1. Kalagayan ng isang tao kaugnay ng kaniyang katayuan sa búhay (lalo na hinggil sa mga tagumpay o kasaiwan).

2. Tawag din sa puwersang panlabas na pinaniniwalaang nakaaapekto sa kalalabasan nitó.
Magandang kapaláran ang naghihintay sa táong masikap.
TADHANÀ, SUWÉRTE, PORTÚNA

Tambalan
  • • sawíng-kapaláranPang-uri
  • ➞ Nása masamáng kalagayan o nagdurusa.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Nakabása ka na ba ng karagatán? Namangha sa isang lilók o nakasaksi ng isang pangálay? Ilan lámang ang mga ito sa ating katutubong sining na ipinagdiriwang natin sa Buwan ng Síning tuwing Pebrero.