KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

kan•dí•li

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagkupkop o pangangalaga sa mga nangangailangan ng tulong.
ARUGÂ, TANGKÍLIK, KALINGÀ

2. Táong kinupkop o inaruga, tulad ng ulila, kapós-pálad, atbp.

Paglalapi
  • • pagkandíli: Pangngalan
  • • kandilíhin, kumandíli, magkandíli, makandíli: Pandiwa
  • • mapagkandíli : Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Nakabása ka na ba ng karagatán? Namangha sa isang lilók o nakasaksi ng isang pangálay? Ilan lámang ang mga ito sa ating katutubong sining na ipinagdiriwang natin sa Buwan ng Síning tuwing Pebrero.