KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ká•lis

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
caliz
Pinagmulang Wika
Espanyol
Kahulugan

Kopa na sisidlan ng alak na ginagamit ng mga pari kung nagmimisa.
KÓPA

ká•lis

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
keris
Pinagmulang Wika
Malay
Kahulugan

Sandatang may mahabang talim na gámit ng mga mandirigma na sinaunang Pilipino.

ká•lis

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
calyx
Pinagmulang Wika
Ingles
Kahulugan

BOTANIKA Dahon na bumibigkis sa mga talulot.

ka•lís

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pag-aalis ng bukó, himutmot, o bálok sa kawáyan upang pakinisin.
KÁYAS

2. Paglilinis o pag-aahit sa balahibo ng patay na baboy pagkatapos buhusan ng mainit na tubig.

Paglalapi
  • • pagkalís: Pangngalan
  • • kalisán, kalisín: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Buwan ng Nutrisyon ang Hulyo? Ano ang mga paborito mong masustansiyang pagkain?