KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ka•la•bít

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Varyant
kal•bít
Kahulugan

1. Pasaling na pagkalawit ng daliri sa sinumang ibig tawagin ang pansin.

2. Pagpindot ng gatilyo ng baril.

3. Bahagyang pagbatak ng kuwerdas ng gitara, bandurya, atbp.

Paglalapi
  • • kalabítan, pagkalabít: Pangngalan
  • • kalabitín, makalabít, mangalabít: Pandiwa
  • • kálabitín: Pang-uri

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?