KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ka•lá•wit

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Anumang bagay na balikuko ang talim at may mahabang tangkay o puluhan, at ginagamit sa pagputol at paghawan ng mga kawáyan o siit.
KÁRIT

2. Anumang metal o matigas na bagay na binalikuko sa dulo at nagagamit na sabitán, pangkawit, o panghúli.

3. Pagkuha o paghuli sa anuman sa pamamagitan ng metal na balikuko sa isang dulo.

Paglalapi
  • • pagkaláwit, pangaláwit: Pangngalan
  • • kalawitán, kalawitín, kumaláwit: Pandiwa

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Tuwing Abril, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Panitikan. May paborito ka bang tula, kuwento, sanaysay, o dulang Pilipino na nais ipabása sa iba?