KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ká•in

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagnguya at sakâ paglunok ng pagkain upang mapawi ang gútom.
KAKÁN

2. Kakayahan ng makina na tumanggap o umipit ng anuman.

3. Tingnan ang konsúmo

Paglalapi
  • • kainán, kinánan, pagkáin, pakáin, panginainán, pákainín: Pangngalan
  • • kaínin, kumáin, magpakáin, makikáin, mangináin, pakaínin: Pandiwa
  • • mapagkáin, mákakáin, palakaín: Pang-uri
Idyoma
  • kináin ng apóy
    ➞ Nasunog.
  • hindî na kakaínin ng apóy
    ➞ Sinasabi ito kapag ang damit na suot ay napakarumi na.
  • kinakáin ang salitâ
    ➞ Táong hindi naninindigan sa mga ipinangako o binitawang pahayag.
  • kináin na patí lamán
    ➞ Pinagsamantalahan kahit kamag-anak.
  • párang kináin ng lahò
    ➞ Biglang nawala.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.