KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ká•ga•wa•rán

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Salitang-ugat
gáwad
Kahulugan

1. Sangáy ng pamunuang tagapagpaganap ng pámahalaán na pinangunguluhan ng kalihim na nagtataguyod sa iba’t ibang kawanihan at tanggapang nása ilalim nitó.
Siyá ba ang bagong kalihim ng Kágawarán ng Pananalapi?

2. Bahagi ng isang malaking tanggápan.
Pinuntahan ni Ella si Bb. Marquez sa tanggapan ng Kágawarán ng Filipino.
DEPARTAMÉNTO

Ká•ga•wa•rán ng Ka•lu•sú•gan

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

Ahensiya sa pamamahala ng sangay ehekutibo ng Pilipinas na may pangunahing tungkuling magkaloob ng serbisyo sa batayang kalusugan ng publiko ng mga Pilipino sa pamamagitan ng paglikha ng mga probisyon sa de-kalidad na pangangalagang pangkalusugan at regulasyon sa lahat ng serbisyo at produktong pangkalusugan.
DEPARTMENT OF HEALTH

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Nakabása ka na ba ng karagatán? Namangha sa isang lilók o nakasaksi ng isang pangálay? Ilan lámang ang mga ito sa ating katutubong sining na ipinagdiriwang natin sa Buwan ng Síning tuwing Pebrero.