KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ka•bít

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

1. Pagkakadikit o pagsasanib sa iba ng anuman; pagkakadugtong-dugtong ng mga bagay (gaya ng mga kawil ng tanikala).
KATNÍG

2. Babae o laláki na kinakasama ng isang may-asawa.
KAAPÍD

Paglalapi
  • • kabítan, pagkakabít, pangkabít : Pangngalan
  • • ikabít, kabitán, kumabít, magkabít, magpakabít, makabít, pagkabitín, pagkabít-kabitín, pakabitín: Pandiwa
  • • kakabít, makabít: Pang-uri
Idyoma
  • hulíng kabít
    ➞ Ang mano sa isang larong tulad ng tatsing; huling nakapagdudugtong sa manuhan sa larong tangga.
  • kabít sa pundiyá
    ➞ Laging nakabuntót; palaging kasáma.
  • pinakabít
    ➞ Sa sugal, hindi binabayaran ang kalaban.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Maraming taál na hayop at halaman na sa Pilipinas lámang matatagpuan?