KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ka•bá•yo

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Pinagmulang Salita
caballo
Pinagmulang Wika
Espanyol
Kahulugan

1. ZOOLOHIYA Hayop na mabilis tumakbo, may apat na paa, malagong buhok sa kahabaan ng batok, malagong buntot, at may katawang bilugán o patpatin.

2. Tingnan ang plantsáhan

Paglalapi
  • • kabá-kabayúhan, pakabáyo, pangangabáyo: Pangngalan
  • • kabayúhin, magkabáyo, mangabáyo, pakabayúhan, pakabáyo: Pandiwa
Tambalan
  • • kabáyong-dágatPangngalan

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Maraming taál na hayop at halaman na sa Pilipinas lámang matatagpuan?