KWF Diksiyonaryo ng Wikang Filipino

Maghanáp ng salitâ

ká•bag

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

MEDISINA Hangin sa loob ng tiyan dulot ng hindi mabilis na pagkatunaw ng kinain, at malimit na nailalabas sa pamamagitan ng pag-utot o pagdighay.
BÚTOD

Paglalapi
  • • kabágan: Pandiwa

ka•bág

Bahagi ng Pananalita
Pangngalan
Kahulugan

ZOOLOHIYA Pinakamaliit sa uri ng paniki na sinlaki ng maya, tulad sa dagâ ang mukha, tainga, katawan, at balahibo, bagaman ang pakpak ay malabalat o lamad na lumaladlad at nangungurong, at karaniwang naninirahan at namumugad sa mga siwang ng tabla o bútas ng kawáyan, sa mga balisbisan o sa mga puwang ng bato sa kabundukan.

Tampók na Salitâ

Alám mo ba?

Sa talâ ng KWF, mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. Tinatayang 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng wikang Filipino bilang pangunahing wika at higit 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.